
Nagpatuloy sa ikatlong sunod na araw ang pag-uusap ng mga negosyador ng Iran at mga tagapamagitan mula Qatar sa Doha upang makabuo ng kasunduang magwawakas sa digmaan laban sa Estados Unidos at Israel.
Ayon kay Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi, nagpapatuloy ang konsultasyon at talakayan hinggil sa panukalang kasunduan, subalit wala pang pinal na desisyon.
Kaugnay nito, nagpahayag si Araqchi ng kahandaang harapin ng Iran ang sitwasyon sa pamamagitan ng diplomasya o depensa.
Naganap ang mga pag-uusap sa gitna ng pangambang muling lumala ang sigalot matapos ang US midterm elections sa Nobyembre 3.
Sinabi naman ni US President Donald Trump na wala pang planong maglunsad ng panibagong pag-atake laban sa Iran bago ang halalan, bagama’t hindi niya isinasara ang posibilidad ng panibagong aksiyong militar pagkatapos nito.
Samantala, kabilang sa mga tinatalakay ng dalawang panig ang panukalang muling buksan ang Strait of Hormuz sa loob ng dalawang araw sakaling magkaroon ng kasunduan.










