
Pinagsabihan ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Ambassador Jing Quan na maging maingat sa mga pahayag at komento nito matapos ang kaniyang komento na tila nagpapahiwatig ng banta ng paggamit ng puwersa.
Ayon sa DFA, mahalaga ang maingat na pananalita at pagpipigil sa diplomasya upang mapanatili ang diyalogo sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw ng dalawang bansa.
Sa isang panayam, sinabi ni Jing na kung gagamit ng puwersa ang China, madali umano itong mananalo, ngunit hindi nila ito gagawin dahil nais nilang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.
Hindi tinukoy ng DFA kung aling partikular na pahayag ng Chinese envoy ang pinagmulan ng kanilang puna. Gayunman, iginiit ng ahensya na hindi nakatutulong ang ganitong pananalita sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.










