Nagsusulong ang Office of the Solicitor General (OSG) ng batas na magpapahintulot sa administratibong pagkansela ng late registration ng mga dayuhang ilegal na nakakuha ng dokumentong nagpapatunay na sila ay Pilipino.

Inilahad ito sa pagdinig ng Senado kaugnay ng kaso ng negosyanteng si Joseph Sy, na hinihinalang gumamit ng pekeng dokumento upang makakuha ng Filipino citizenship.

Samantala, iniutos ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-audit at imbestigasyon sa nasa 50,000 indibidwal na dumaan sa late registration.

Gayunman, nilinaw ni NBI Director Melvin Matibag na hindi nangangahulugang lahat ng ito ay may iregularidad.

Suportado rin ng National Security Council ang paghahanap ng paraan upang kanselahin ang mga mapatutunayang ilegal na rehistrasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi naman ni Senator Risa Hontiveros na nakapaghain na ang OSG ng kaso para kanselahin ang birth certificate ni Sy.