Pinagtibay ng Supreme Court ang constitutionality ng Republic Act No. 12326 na nagtatakda ng limang taong termino ng panunungkulan ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK).

Ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang petisyong inihain ni Atty. Romulo Macalintal na kumukuwestiyon sa konstitusyonalidad ng naturang batas.

Dahil dito, mananatiling limang taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at SK alinsunod sa nasabing batas.