Ipinagbabawal ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang pagkakaroon ng personal staff ni dating House Speaker Martin Romualdez sa loob ng kulungan at inatasan ang beripikasyon sa naturang ulat.

Ayon kay Remulla, magsasagawa sila ng biglaang inspeksiyon sa New Quezon City Jail upang matiyak na walang espesyal na pagtrato sa sinumang detenido.

Nauna nang sinabi ni Jail Warden Lourdes Pacion sa Sandiganbayan na may personal staff na nananatili sa selda ni Romualdez, na nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng ₱7.4-bilyong flood control controversy.