
Pinaalalahanan ng Malacañang ang mga ahensiya ng gobyerno na panatilihing simple ang kanilang Christmas parties ngayong taon bilang bahagi ng umiiral na austerity measures.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi na kailangang maglabas ng bagong kautusan dahil nananatili ang mga hakbang sa pagtitipid, lalo’t marami pang isyung kailangang tugunan ng pamahalaan.










