Binawasan ni dating US President Joe Biden ang nakatakda niyang book tour dahil sa epekto ng agresibong prostate cancer na nagpapabagal umano sa kanyang mga aktibidad.

Sa pahayag ni Biden, hindi siya makapagsasagawa ng maraming public appearances gaya ng una niyang plano bago ilabas ang memoir na “Promise Me, America” sa Nobyembre 17.

Na-diagnose si Biden noong Mayo 2025 na may prostate cancer na kumalat na sa kanyang mga buto.

Sumasailalim siya sa radiation at hormone therapy, habang sinabi niyang positibo ang tugon ng kanyang katawan sa gamutan.

Tatalakayin sa kanyang memoir ang apat na taon niya sa White House, kabilang ang pandemya, mga digmaan sa Afghanistan at Ukraine, at ang pag-atras niya sa 2024 presidential race.

-- ADVERTISEMENT --