Sinimulan na sa Türkiye ang 31st United Nations Climate Conference o COP31, kung saan iginiit ng mga lider ng klima ang pangangailangang maisalin sa konkretong aksyon ang mga naunang pangako laban sa climate change.

Sa pagbubukas ng kumperensya, hinimok ni UN Climate Change Executive Secretary Simon Stiell ang mga bansa na palakasin ang pagbabawas ng greenhouse gas emissions, pagpapalawak ng malinis na enerhiya at pagbibigay ng pondo para sa mga bansang apektado ng climate change.

Kabilang sa mga prayoridad ang pagpapalakas ng flood control at early warning systems, climate-resilient agriculture at pangangalaga sa suplay ng tubig.

Nagbabala rin si Stiell na posibleng magpalala ng mga kalamidad ang inaasahang Super El Niño, partikular sa mga bansang bulnerable tulad ng Pilipinas.

Ayon kay COP31 President-Designate Murat Kurum, dapat magsilbing “implementation COP” ang kumperensya upang matiyak na ang mga napagkasunduan ay magbubunga ng aktuwal na proteksyon at tulong sa mga komunidad.

-- ADVERTISEMENT --