Hindi kumbinsido ang House prosecution team sa mga ebidensiyang iniharap ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial, na inilarawan pa ni lead prosecutor Representative Gerville Luistro bilang “watusi” at hindi “kwitis.”

Ayon kay Luistro, 18 sa 24 na inisyal na testigo ng depensa ang hindi na tumestigo, habang anim lamang ang humarap sa impeachment court.

Giit niya, hindi naipaliwanag ng mga testigo ang umano’y ₱817 milyong unexplained wealth na iniuugnay sa Bise Presidente at sa asawang si Manases Carpio.

Kabilang sa mga naging testigo ang mga assessor ng Davao City at Samal Island, accountant, abogado ng GenCorp at mga kaibigan ng mag-asawa.

Samantala, sinabi ng tagapagsalita ng depensa na si Michael Poa na maghahain pa sila ng walo hanggang sampung testigo matapos ang pahinga ng paglilitis kaugnay ng pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN Summit.

-- ADVERTISEMENT --

Umaasa naman si Luistro na direktang masasagot ng mga susunod na testigo ang mga alegasyon tungkol sa hindi deklaradong yaman sa SALN, unexplained wealth at hindi pag-divest ng negosyo at pinansiyal na interes.House prosecutors, hindi kumbinsido sa ebidensiya ng kampo ni Sara; anim na testigo, hindi raw nasagot ang mga alegasyon

Hindi kumbinsido ang House prosecution team sa mga ebidensiyang iniharap ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial, na inilarawan pa ni lead prosecutor Representative Gerville Luistro bilang “watusi” at hindi “kwitis.”

Ayon kay Luistro, 18 sa 24 na inisyal na testigo ng depensa ang hindi na tumestigo, habang anim lamang ang humarap sa impeachment court.

Giit niya, hindi naipaliwanag ng mga testigo ang umano’y ₱817 milyong unexplained wealth na iniuugnay sa Bise Presidente at sa asawang si Manases Carpio.

Kabilang sa mga naging testigo ang mga assessor ng Davao City at Samal Island, accountant, abogado ng GenCorp at mga kaibigan ng mag-asawa.

Samantala, sinabi ng tagapagsalita ng depensa na si Michael Poa na maghahain pa sila ng walo hanggang sampung testigo matapos ang pahinga ng paglilitis kaugnay ng pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN Summit.

Umaasa naman si Luistro na direktang masasagot ng mga susunod na testigo ang mga alegasyon tungkol sa hindi deklaradong yaman sa SALN, unexplained wealth at hindi pag-divest ng negosyo at pinansiyal na interes.