
Inaasahang magtatakda ng mga bagong hakbang ang mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang tugunan ang transnational crimes, seguridad sa pagkain at epekto ng krisis sa Middle East.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Dominic Xavier Imperial, kabilang din sa pagtutuunan ng pansin ang sitwasyon sa enerhiya at pagpapalakas ng proteksiyon at kapakanan ng mga migrant worker, partikular ang mga Pilipino.
Sa Nobyembre 14, pangungunahan ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro ang huling pulong ng mga foreign minister upang talakayin, kabilang ang pagpapatupad ng ASEAN Five-Point Consensus.
Pangungunahan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 49th ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong mula Nobyembre 15 hanggang 17.










