
Nanatiling hindi madaanan ang Bagunot Bridge at Taytay–San Isidro Bridge sa Baggao, Cagayan dahil sa pag-apaw ng tubig dulot ng patuloy na pag-ulan.
Ayon kay Rueli Rapsing ng PDRRMO, heavily silted na ang dalawang overflow bridge kaya kinakailangan nang isailalim sa dredging ang mga daluyan nito.
Dagdag ni Rapsing na bagamat nakatutulong sa agrikultura ang pag-ulan, maaari itong maging banta kapag umabot sa 100 milimetro o higit pa ang rainfall.
Sa ngayon, normal pa ang antas ng tubig sa Cagayan River sa Buntun Bridge sa Tuguegarao City habang patuloy namang nakaantabay ang PDRRMO at Task Force Lingkod Cagayan.
Dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan at sa scheduled brown out ngayong araw, nagsuspinde ng klase sa ibat ibang antas ang bayan ng Solana, Baggao, Tuguegarao City, Peñablanca at Iguig.










