Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ang binabantayang sama ng panahon sa labas ng Philippine Area of Responsibility at tatawagin itong Bagyong Samuel.

Huling namataan ang sama ng panahon may 2,320 kilometro sa silangan ng Hilagang Luzon at patuloy pang binabantayan dahil sa posibilidad na maapektuhan ang direksiyon nito dahil sa lumalakas na hanging Amihan.

Posible umanong maharangan ng Amihan ang bagyo at maitulak ang direksiyon nito pababa kaya patuloy na minomonitor ang magiging galaw at lakas nito.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakatutok sa mga susunod na abiso at update hinggil sa lagay ng panahon.