
Pinaghahanda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng posibleng scenario sa paglalabas ng desisyon sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, inaasahang magiging emosyonal ang magkabilang panig kaya dapat manatiling kalmado at maging tagapamagitan ang mga pulis upang maiwasan ang anumang kaguluhan.
Tiniyak naman ni Remulla na nakahanda ang PNP sa anumang posibleng mangyari matapos ang verdict.
Kasabay nito, pinaalalahanan ng kalihim ang mga pulis na manatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin, lalo’t papasok na rin ang election cycle sa susunod na taon.
Maaaalalang, target ng Senate Impeachment Court na maglabas ng desisyon sa impeachment trial ni Duterte sa Disyembre, bago ang nakatakdang holiday adjournment ng Kongreso.










