
Inamin ni Atty. Caroline Cruz, abogado ng negosyanteng si Atong Ang, na nakipagkita siya sa ilang pamilya ng mga nawawalang sabungero noong Abril 20, kung saan nagbigay din siya ng P20,000 bilang tulong-pinansyal nang wala umanong kapalit o pinapirmahang dokumento.
Ayon kay Cruz, mismong mga pamilya umano ang lumapit at humiling ng pagpupulong na agad naman niyang tinanggap upang malaman din ang katotohanan.
Tiniyak ng abogado na malinis ang kanyang konsensya at handa niyang harapin ang mga paratang laban sa kanya.
Samantala, sinibak naman sa pwesto sina Police Lieutenant Nadame Malang at Police Major Reynaldo Pañebe Jr. dahil sa umano’y pakikialam sa kaso ng mga missing sabungero.









