TUGUEGARAO CITY-Umakyat na sa 553 ang aktibong kaso ng Coronavirus disease 2019 (covid-19) sa region 2 matapos makapagtala ng 29 bagong kaso ng virus ang Department Of Health (DOH)-R02.

Batay sa datos ng ahensya, mula sa bilang ng mga aktibong kaso, 70 percent ang asymptomatic at 30 percent ang nasa mild condition.

Nasa 27 naman ang bagong naitalang nakarekober kung kaya’t umabot na sa 1,883 ang gumaling sa rehiyon.

Sa kabuuan, nakapagtala na ang rehiyon dos ng 2,472 na kumpirmadong kaso ng covid-19 kung saan pinakamarami ang probinsya ng Isabela na may 1,165 sunod ang Cagayan na may 599, Nueva Vizcaya na may 589, Santigao City na 112, lima sa Quirio at dalawa sa Batanes.

Ang bilang naman ng nasawi dahil sa virus ay umabot na sa 36.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala,24 ang kasalukuyang minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC), sampu dito ay mula sa Cagayan at 14 sa Isabela.

Sa Cagayan, lima ang galing sa Tuguegarao City, tatlo sa Enrile at tig-isa sa Alcala at Gonzaga habang 11 sa Ilagan, dalawa sa Tumauini at isa sa Roxas sa probinsya ng Isabela.

Bukod dito, 20 naman na suspected cases ang kasalukuyan ding minomonitor sa naturang pagamutan kung saan 17 ang mula sa Cagayan at tatlo sa Isabela.