Nakatakdang bumalik ng Pilipinas ang dating United Nations Special Rapporteur on extrajudicial killings at Amnesty International secretary-general Agnès Callamard para makipagpulong sa mga pamilya ng biktima ng madugong kampanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kontra droga.

Ito ang muling pagbisita ni Callamard sa bansa simula 2017 kasunod ng immigration ban na ipinataw sa kanya ng administrasyong Duterte.

Mananalagi ngayong linggo mula Nobyembre 19 hanggang Nobyembre 22 si Callamard batay sa anunsyo nito matapos alisin ang ban laban sa kaniya noong Setyembre.

“I’m delighted to be able to return to the Philippines, a country close to my heart where I have many friends. I am moved to meet once again with victims and survivors of Duterte’s so-called ‘war on drugs’ and pay tribute in person to their incredible courage and resilience,” saad nito sa isang pahayag.

Makikipagtipon din si Callamard sa ilang mga abogadong kritiko ng “war on drugs” at mga mamamahayag na nagbalita at nag-imbestiga sa kampanya ng dating pangulo.

-- ADVERTISEMENT --

“This long overdue visit comes at a historic time, with Duterte finally set to go on trial in The Hague for the crime against humanity of murder. Without the determined efforts of the Filipino people, lawyers and civil society, this powerful exercise in international justice would not have been possible,” dagdag pa nito.

Bilang kilalang kritiko ng drug war ng dating pangulo, bumisita ito ng bansa noong 2017 para sa isang academic conference hinggil sa drug policy at komemorasyon ng ika-30 anibersaryo ng Commission on Human Rights (CHR).