Pasok sa semifinals ng Abu Dhabi Open doubles sina Alexandra “Alex” Eala ng Pilipinas at Janice Tjen ng Indonesia matapos talunin sina Zhang Shuai ng China at Cristina Bucsa ng Spain, 6-3, 6-3, sa quarterfinals.

Dumating ang panalo ilang oras lamang matapos mabigo si Eala sa women’s singles, kung saan natalo siya kay Ekaterina Alexandrova sa quarterfinals.

Kinailangan lamang ng isang oras at anim na minuto nina Eala at Tjen upang pabagsakin ang kanilang mga katunggali at masiguro ang puwesto sa susunod na round.

Sa unang round ng torneo, tinalo rin ng tambalan nina Eala at Tjen ang pares nina Kristina Mladenovic at Leylah Fernandez, 7-5, 3-6, 10-6.

Sa semifinals, makakaharap ng Southeast Asian duo sina Tereza Mihalikova ng Slovakia at Olivia Nicholls ng Great Britain.

-- ADVERTISEMENT --