
Makakaharap ni Alex Eala ang Chinese qualifier na si Han Shi sa Round of 64 ng WTA 1000 Wuhan Open sa Lunes, Oktubre 12, alas-12:40 ng tanghali, oras sa Pilipinas, sa Dongfeng Voyah Center Court sa China.
Bilang world No. 18 at 13th seed sa torneo, hangad ni Eala na makabawi matapos ang sunod-sunod na pagkatalo, kabilang ang semifinal loss kay Wang Xiyu sa 2026 Asian Games na nagtapos sa kaniyang kampanya para sa gintong medalya.
Dalawang beses nang sumali si Eala sa Wuhan Open. Natapos ang kaniyang kampanya sa first round noong 2024, habang hindi siya nakapasok sa main draw noong 2025.
Samantala, sisikapin ni Han Shi na talunin ang Filipina star matapos makalusot sa dalawang mahihirap na laban sa qualifying round upang makapasok sa main draw.










