
Nagpakita ng matinding determinasyon si Filipina tennis star Alex Eala matapos niyang talunin ang dating world No. 4 na si Zheng Qinwen ng China, 4-6, 6-4, 6-1, sa Round of 32 ng Mubadala DC Open.
Nakuha ni Zheng ang unang set matapos makabawi mula sa maagang set ni Eala. Ngunit hindi nagpatalo ang Filipina netter at nakabalik sa ikalawang set sa pamamagitan ng huling tatlong games upang maitabla ang laban.
Sa deciding set, tuluyang nangibabaw si Eala matapos ang 4-0 na kalamangan at hindi na pinayagang makabalik pa ang kanyang kalaban hanggang sa tuluyan niyang maselyuhan ang panalo.
Ayon kay Eala, pinayuhan siya ng kanyang coach na manatiling kalmado at matyaga lamang, payong aniya ay naging susi sa kanyang matagumpay na laban.
“He said that, you know, I have to keep going because if I’m there every ball, I’ll have my chances. And I did. Like always, he’s right,” ani Eala.
Sa susunod na laban, makakaharap naman ni Eala ang Canadian tennis player na si Leylah Fernandez, na mayroon ding dugong Filipino.










