May nakita umano na tila impeksiyon sa kaliwang baga ni dismisses Bamban Mayor Alice Guo.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo, sumailalim si Guo sa medical examination bago umalis sa PNP Custodial Facility.

Sa pagsusuri, may nakita ang doktor na posibleng infection sa kaliwang baga ni Guo.

Sinabi ni Fajardo na bahala ang Bureau of Jail Management and Penology sa confirmatory test sa nasabing resulta ng pagsusuri kay Guo.

Ayon kay Fajardo, posibleng nakuha ito ni Guo dahil sa stress at fatigue.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, pansamantalang mananatili si Guo sa isang lugar kung saan nagpapagaling ang mga pasyente na may tuberculosis.

Kasunod nito ay ililipat na siya sa selda sa female dormitory sa Pasiog City jail kasama ang 40 na iba pang detainees.