
Umarangkada na ang kilos protesta ng iba’t ibang grupo kasabay ng ika-limang SONA ng Pangulong Bongbong Marcos.
Isinasagawa sa ngayon ang kilos protesta rito sa Philcoa sa kahabaan ng Commonwealth, Quezon City.
Galing ang mga ito sa iba’t ibang lugar sa Luzon.
Panawagan ng grupo na aksiyunan ang malawakang tanggalan ng trabaho sa isang malaking kumpanya sa Sta Rosa, Laguna at ibalik ang 800 natanggal na mga manggagawa.
Pinatataasan naman ng ilang grupo ang budget sa edukasyon hindi sa korapsiyon.
-- ADVERTISEMENT --
Panawagan din ng ilang grupo mula sa timog katagalugan na itaas ang sahod at bigyan ng mandang benepisyo ang mga manggagawa.










