TUGUEGARAO CITY-Arestado na ng pulisya ang isang ama na humalay at nakabuntis ng sarili nitong anak sa bayan ng Tuao, Cagayan.

Sa ulat ng PNP Cagayan, sinita at kinompronta ng mga nagpapatrolyang pulis ang suspek na si alyas Ricardo na walang suot na facemask ngunit nagmatigas kaya’t hinuli ng mga otoridad.

Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek nang siya’y kapkapan ang isang homemade na baril na may dalawang bala, isang sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops.

Nang kuhanan ng impormasyon sa tanggapan ng PNP si Alyas Ricardo ay dito na napag-alaman na siya ang hinahanap na wanted dahil sa panghahalay nito sa kanyang menor de edad na anak na anim na buwan ng buntis.

Nahaharap ngayon si Alyas Ricardo sa kasong Incest Rape na naisampa nitong July 19, 2021, paglabag sa RA 9165 o Comprehensive dangerous drugs act of 2002, RA 10591 o firearms and ammunition law at RA 11332 o paglabag sa mga panuntunan kaugnay COVID -19.

-- ADVERTISEMENT --