Iniutos ng isang federal judge sa Florida, United States ang psychiatric evaluation kay Thomas Markle, ama ng Duchess of Sussex na si Meghan Markle, upang matukoy kung may kakayahan siyang humarap sa paglilitis kaugnay ng kasong possession of child sexual abuse material.

Ayon sa korte, nagkaroon ng pagdududa sa mental competence ni Markle matapos mapansin ang kaniyang kawalan ng pag-alala sa ilang detalye sa unang pagharap nito sa korte.

Inaresto si Markle noong Nobyembre 6 dahil sa isang bilang ng possession of child sexual abuse material, kabilang ang mga larawang nagpapakita sa kaniya kasama ang isang menor de edad na hubad.

Batay sa mga dokumentong inihain ng FBI, nakuha ang mga naturang materyal sa mga storage unit na inuupahan niya sa Los Angeles.

Itinalaga ng korte ang forensic psychiatrist na si Dr. Amie Gerodimos upang magsagawa ng pagsusuri at magsumite ng resulta bago ang Nobyembre 20.

-- ADVERTISEMENT --

Pansamantala namang pinayagan si Markle na makalaya sa ilalim ng personal recognizance, ngunit kinakailangang sumailalim sa home detention at electronic monitoring.