Sumobra sa runway ang isang Amazon cargo plane habang lumalapag sa Miami International Airport sa Florida, United States nitong Linggo, at tumama sa ilang sasakyan bago masunog.

Ayon sa mga awtoridad, ang Boeing 767 na may biyaheng Prime Air Flight 7598 ay galing Puerto Rico at dumating bandang alas-2 ng hapon.

Agad rumesponde ang mahigit 60 firefighting units matapos makita ang makapal na usok mula sa eroplano.

Wala pang kumpirmasyon sa bilang ng posibleng nasawi o nasugatan.

Dahil sa insidente, isinara muna ang lahat ng runway at taxiway ng paliparan habang nagpapatuloy ang pag-apula ng apoy at imbestigasyon.

-- ADVERTISEMENT --