
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng bagong embahada ng Pilipinas sa Astana, Kazakhstan at Accra, Ghana bilang bahagi ng pagpapalawak ng diplomatikong ugnayan ng bansa.
Kasabay nito, pinaplano rin ang pagbubukas ng konsulado sa Miami, Florida upang mas mapagsilbihan ang mga Pilipino sa Estados Unidos, Caribbean, at Southeastern region.
Ayon sa Pangulo, inaasahang magdadala ang mga bagong embahada ng mas maraming oportunidad sa kalakalan, kultura, at ugnayang politikal sa mga host countries.
Batay sa datos, patuloy ang pagdami ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na karamihan ay nasa Asia, kasunod ang Europe, Americas, Australia, at Africa.










