Umaabot na sa Metro Manila ang surge ng malamig na amihan na nagdudulot rin ng makulimlim at mahangin na panahon sa silangang mga bahagi ng Northern at Central Luzon.
Pangkalahatang maayos naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa.
Patuloy na lumalakas ang malamig na 𝗔𝗠𝗜𝗛𝗔𝗡 (𝗡𝗢𝗥𝗧𝗛𝗘𝗔𝗦𝗧 𝗠𝗢𝗡𝗦𝗢𝗢𝗡) na nakakaapekto na sa Northern at Central Luzon, kasama ang Metro Manila.
Inaasahang lalakas pa ito sa mga susunod na araw.
Makulimlim, mahangin, medyo malamig, at may pabugsu-bugsong mahihinang pag-ulan dito sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora.
Bahagyang maulap hanggang sa makulimlim na medyo malamig at paminsan-minsang pagbugso ng hangin, naman sa Metro Manila, Ilocos Region, at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
May tiyansa pa rin ng saglit na mahihinang pag-ulan.
Nananatiling mahina ang epekto ng 𝗦𝗛𝗘𝗔𝗥 𝗟𝗜𝗡𝗘 sa silangang bahagi ng Southern Luzon.
Halos maulap, mahangin, at may pabugsu-bugsong mahina hanggang sa minsang malalakas na pag-ulan sa Quezon.
𝗣𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 sa nalalabing bahagi ng bansa at may tiyansa lamang ng mga localized thunderstorm.
𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 na posibleng direktang makaapekto sa bansa hanggang sa weekend.