Umabot sa 930 ang dumalo sa job fair sa tatlong lokasyon sa Cagayan Valley kung saan 190 ang natanggap agad o hired on the spot, na may 29% overall placement rate.

Mayroon ding 133 na near hires at 649 na qualified applicants.

Bukod dito, nakinabang ang 1,245 indibidwal sa ibat-ibang mga serbisyo ng gobyerno.

Samantala, sinabi ni Department of Labor and Employment o DOLE Region 2 Director Jesus Elpidio Atal Jr, patuloy ang pag-aaral at konsultasyon ng ahensya ukol sa posibleng pagtataas ng minimum wage sa rehiyon base sa presyo ng bilihin at inflation.

Siniguro rin nila na binabalanse ito upang hindi maapektuhan ang mga negosyo at ekonomiya.

-- ADVERTISEMENT --

Tutukan din ang occupational safety and health at iba pang tulong pinansyal para sa mga manggagawa.