
Walang natukoy ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na bank transaction na nagpapakitang nagpadala ng pera kay suspended Leyte Representative Martin Romualdez ang contractor, DPWH o si Zaldy Co.
Ayon kay AMLC investigator Atty. Jan Mark Busa, umabot sa ₱560.5 milyon ang remittances na na-monitor sa mga account ni Romualdez mula Setyembre 2022 hanggang Marso 2025.
Kinumpirma rin ni Busa na walang ebidensiyang nag-uugnay sa naturang halaga sa flood control projects, na bahagi ng kasong plunder na ₱7.4 bilyon laban kay Romualdez at iba pa.










