Tumaas ang produksyon ng palay sa ikalawang quarter ng 2026 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA)

Batay sa PSA, umabot sa 4.63 milyong metriko tonelada ang naitalang produksyon ng palay mula Abril hanggang Hunyo 2026, mas mataas kumpara sa 4.38 milyong metriko tonelada noong parehong panahon noong 2025.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), nakatulong sa pagtaas ng ani ang pagbabalik ng operasyon ng Upper Pampanga River Irrigation System (UPRIS) na nagseserbisyo sa mga sakahan sa Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Bulacan.

Dagdag pa ng DA, nahikayat din ang mga magsasaka na magtanim dahil sa magandang presyo ng palay sa nakaraang dry season harvest.

Samantala, itinakda ng pamahalaan ang minimum buying price ng wet palay sa ₱21 kada kilo upang makatulong sa mga magsasaka sa tumataas na gastos sa produksyon.

-- ADVERTISEMENT --