INAASAHANG bababa ang produksyon ng palay at mais sa ikatlong quarter ng 2026, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA.

Tinatayang aabot sa 3.19 milyong metriko tonelada ang produksyon ng palay mula Hulyo hanggang Setyembre, mas mababa ng 15 porsyento kumpara sa 3.75 milyong metriko tonelada sa kaparehong panahon noong 2025.

Inaasahan namang bababa ng 14.4 porsyento ang produksyon ng mais sa 2.08 milyong metriko tonelada, mula sa 2.43 milyong metriko tonelada noong nakaraang taon.

Kasabay nito, lumiit din ang inaasahang lawak ng anihan para sa parehong pananim.

Ayon sa Department of Agriculture, umabot sa 2.05 bilyong piso ang pinsala at pagkalugi sa palay, habang 127.6 milyong piso naman sa mais, matapos tumama ang apat na bagyo sa sektor ng agrikultura mula Hulyo hanggang unang bahagi ng Setyembre.

-- ADVERTISEMENT --