Patay ang apat katao na edad apat hanggang 18 sa pag-araro ng sasakyan sa isang gusali na para sa after-school camp sa estados ng Illois sa Estados Unidos.

Ayon Illinois State Police, marami din ang nasugatan at dinala sa ospital, habang hindi nasugatan ang driver ng sasakyan at dinala sa pagamutan para sa evaluation.

Sinabi ng pulisya na tatlo ang namatay sa labas ng gusali habang isa naman sa loob.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkagulantang at pagkalungkot si Illinois Governor JB Pritzker.

Ayon sa after-school center, ang YNOT school camp ay nagkakaloob ng nagbibigay ng outdoor activities para sa mga bata.

-- ADVERTISEMENT --