
Nanawagan ang apat na dating Senate President na sina Koko Pimentel, Franklin Drilon, Sen. Migz Zubiri, at Sen. Tito Sotto para sa agarang pagresolba sa umiiral na sigalot sa Senado.
Sa isang joint statement, sinabi ng mga dating lider ng Senado na mahalagang mapanatili ang integridad, dignidad, at kredibilidad ng institusyon sa gitna ng lumalalim na alitan sa kapulungan.
Hinimok din nila ang mga kasalukuyang senador na itigil ang mga bangayan at resolbahin ang mga hindi pagkakaunawaan alinsunod sa Konstitusyon at mga tuntunin ng Senado.
Binigyang-diin din nila na mas dapat pagtuunan ng pansin ng Senado ang mahahalagang isyu ng bansa tulad ng ekonomiya, seguridad, pagkain, at enerhiya kaysa sa mga usaping pulitikal.










