Nanguna sa sa pinakamataas na rating sa September 2026 Psychometricians Licensure Examination ang apat na psychology graduates, ayon sa Professional Regulation Commission o PRC.

Pare-parehong nakakuha ng 94.40 percent sina John Jefferson Albes Aguila ng University of Rizal System-Morong, Caithlin Joy Garaña ng Bicol University-Daraga, Joannah Patricia Lising Palado ng Ateneo de Manila University-Quezon City, at Kobe Andrei Caparida Rufo ng Trinity University of Asia.

Nanguna ang apat sa 14,146 examinees na nakapasa sa licensure exam na isinagawa sa 17 testing centers sa buong bansa ngayong Setyembre.