
Inanunsyo ng Professional Regulation Commission o PRC na parehong pumasa ang dalawang kumuha ng Special Professional Licensure Examination o SPLE para sa Chemical Engineers na isinagawa noong Mayo 2026.
Ayon sa PRC, 100 porsiyento ang passing rate matapos pumasa ang dalawang examinee na kumuha ng pagsusulit sa mga testing center sa Singapore at Taipei.
Kabilang sa mga pumasa sina Arianne Animas Mejares at Matthew Harris Lim Ngo.
Isa sa mga pumasa ay nagtapos sa Cebu Institute of Technology–University habang ang isa naman ay nagtapos sa isang paaralan sa ibang bansa.
Isinagawa ang pagsusulit sa pangangasiwa ng Board of Chemical Engineering bilang bahagi ng SPLE program para sa mga Pilipinong propesyonal na nasa ibang bansa.
-- ADVERTISEMENT --










