Naghihinagpis ang isa ina sa sinapit ng kanyang apat na taong gulang na anak na lalaki na iniwan niya sa kanyang kinakasama na isa ring babae.

Ito ay matapos na mamatay dahil sa pang-aabuso at mga kagat sa maselang bahagi ng kanyang katawan ng kinakasama sa Dasmariñas, Cavite.

Dumating ang ina mula sa ibang bansa nang malaman ang nangyari sa kanyang anak.

Una rito, nakita ng mga awtoridad ang mga latay sa likod, mga pasa, at mga kagat sa ari ng bata.

Kuwento ng tiyuhin ng biktima, nag-inuman ang suspek, na isang babaeng kinakasama ng ina ng bata at ilan nilang kaanak noong Huwebes.

-- ADVERTISEMENT --

Kasunod nito, nakarinig umano siya ng ingay sa kuwarto ng suspek, kung saan nakita niyang sinasaktan niya ang kanyang pamangkin.

Ayon sa tiyuhin, nakita niyang binato niya ng tsinelas ang bata at natumba, at nang tumayo ang bata ay hinampas pa niya ng tatlong beses.

Sinabi niya na tumigil ang suspek sa pananakit sa bata nang makita na naroon siya.

Kinabukasan, patay na ang bata, at mismo ang suspek pa ang nagsabi nito.

Sinabi ng lola ng biktima, nakita sa autopsy na sinakal ang bata, at kinagat sa maselan na bahagi ng katawan.

Naging saksi rin daw ang anim na taong gulang na kapatid ng biktima sa pananakit sa bata.

Hinuli ang suspek na nasa kustodiya ng PNP sa Dasmariñas, Cavite, na sinampahan ng kasong murder.