
Kasama sa listahan ng 25 witness ng House prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang nagpakilalang dating aide at umano’y bagman na si Ramil Madriaga.
Ayon kay Batangas Rep. Gerville Luistro, tetestigo si Madriaga kaugnay sa paggamit ng ₱125 milyong confidential funds ng OVP na umano’y nagasta sa loob ng hindi hihigit sa 24 oras.
Bukod kay Madriaga, hihilingin ng prosekusyon ang subpoena sa higit limang bangko para sa mga account ng mag-asawang Duterte-Carpio, pati na sa AMLC, SEC, Ombudsman, at NBI.
Nakatakdang magsimula ang paglilitis sa Senado sa July 6, 2026, kung saan iginiit ng prosekusyon na dapat pisikal na dumalo ang mga senator-judges.










