
Inaprubahan ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang Anti-Political Dynasty Act na nagbabawal sa mga magkakamag-anak hanggang ikalawang antas ng pagkakamag-anak o affinity na tumakbo o humawak ng posisyon sa iisang nasasakupan.
Naipasa ang House Bill 8389 sa botong 271 pabor, 16 tutol at 7 abstain, dalawang linggo matapos itong maaprubahan sa ikalawang pagbasa.
Ayon kay House Deputy Speaker Ferdinand Hernandez, layunin ng panukala na palakasin ang mga institusyon at palawakin ang pagkakataon ng mga Pilipino na makapaglingkod sa pamahalaan.
Ito ang pinakamalayong narating ng isang anti-political dynasty measure sa Kongreso mula nang ipatupad ang 1987 Constitution.
Kabilang sa mga pangunahing may-akda ng panukala sina House Speaker Bojie Dy at House Majority Leader Sandro Marcos.




