Pormal nang umupo bilang ika-apat na Arsobispo ng Archdiocese of Tuguegarao si dating Alaminos, Pangasinan Bishop Ricardo Baccay, ngayong araw (Jan 14).
Pinalitan niya si dating Tuguegarao Archbishop Sergio Utleg na walong taong nagsilbi sa archdiocese at umabot na sa kanyang mandatory retirement age.
Si Baccay ay ipinanganak noong 1961 sa Tuguegarao at inordinahan bilang pari noong 1987 habang noong 2007 ay naitalaga siya bilang auxillary bishop ng Tuguegarao.
Matapos ang siyam na taon ay itinalaga siya bilang Obispo ng Alaminos noong 2016.
Ang instalasyon ni Baccay sa kanyang bagong pwesto ay dinaluhan ng ibat-ibang kaparian at Obispo sa Northern Luzon, local officials at mga deboto.
-- ADVERTISEMENT --