Inakusahan ni Senador Imee Marcos ang administrasyon ng umano’y pakikialam sa usapin ng Senado matapos umanong magsalita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa kontrobersyal na panukalang online voting para sa mga senador.Balita sa Pilipinas

Sa isang mensahe sa viber nitong Biyernes, Mayo 29, sinabi ng presidential sister na “very obvious” umano ang ginagawa ng administrasyon laban sa majority bloc ng Senado.

Nauna rito, tinutulan ng Pangulo ang mungkahing amyendahan ang mga rules ng Senado upang payagan ang online voting. Ayon sa kanya, tila ginawa lamang ang panukala upang payagang makalahok si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kahit ito ay hinahanap ng mga awtoridad.

Sinabi rin ng Pangulo na tila si Dela Rosa lamang ang makikinabang sa naturang panukala.

Para kay Senador Marcos, ang mga naturang pahayag ay maituturing na “clear incursions in the constitutional boundaries between executive and legislative,” o malinaw na paglabag umano sa hangganan ng kapangyarihan ng ehekutibo at lehislatura.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, wala pang opisyal na tugon ang Malacañang kaugnay sa mga pahayag ni Senador Imee.