
Inatake ng armadong grupo ang Tipo-Tipo Basilan kaninang umaga.
Batay sa post sa Facebook ng lokal na pamahalaan ng Tipo-Tipo, ang armadong grupo ay suportado umano ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Dahil dito, sinuspindi ang lahat ng pasok sa paaralan, maging sa mga tanggapan, at economic activities sa lugar.
Kinumpirma naman ni Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala na nagsasagawa ng beripikasyon ang Philippine Army sa detalye ng insidente sa Tipo-Tipo,
Nagtalaga na rin sila ng mga tauhan upang matiyak ang kaligtasan sa lugar, ng mga residente, at nakikipag-ugnayan na sa mga lokal na awtoridad at security agencies para maibalik sa normal na sitwasyon ang nasabing bayan.
-- ADVERTISEMENT --










