Nanatiling resilient ang ekonomiya ng Southeast Asia sa kabila ng krisis sa Middle East at iba pang global uncertainties, ayon sa ASEAN economic ministers.

Sa joint statement matapos ang kanilang pagpupulong sa Maynila noong Setyembre 19, sinabi ng mga economic leaders na inaasahang lalago ng 4.5% ang ekonomiya ng ASEAN ngayong 2026, mas mataas sa projected global growth na 3%.

Ayon sa mga ministro, sinusuportahan ang paglago ng rehiyon ng patuloy na manufacturing activity, exports at investments, gayundin ng matatag na domestic demand.

Kasabay nito, pinagtibay ng ASEAN ang commitment nito sa isang bukas at rules-based multilateral trading system, habang isinusulong ang mas malalim na regional economic integration at mas matatag na supply chains.

Pinagtibay rin sa pulong ang ASEAN Economic Community Strategic Plan 2026–2030, kasama ang mga hakbang sa semiconductor industry, digital trade, intellectual property, space technology at suporta sa micro, small and medium enterprises o MSMEs.

-- ADVERTISEMENT --

Layunin ng mga hakbang na mapalakas ang economic security at competitiveness ng ASEAN habang hinaharap ang patuloy na global uncertainties.