Nagpaulan ng missile ang grupong Houthi sa Saudi Arabia, kabilang ang Riyadh, kung saan nakunan ng video ang makapal na usok at apoy sa King Khalid International Airport.

Ayon sa Saudi authorities, debris mula sa isang na-intercept na missile ang tumama sa isang kindergarten at medical complex sa Riyadh. Iniulat namang tatlong tao na ang nasawi sa mga pag-atake sa Riyadh at Abha ngayong linggo.

Dahil sa pag-atake, sinuspinde ng Lufthansa at Air India ang mga flight patungong Riyadh, habang halos kalahati ng mga departure sa paliparan ang nakansela noong Huwebes.

Nagbabala rin ang Houthis sa mga manggagawa na umiwas sa mga pasilidad ng enerhiya sa Saudi Arabia na kanilang tinatarget.

Patuloy naman ang sagupaan sa Yemen matapos muling sumiklab ang digmaan, na nagresulta sa paglikas ng humigit-kumulang 200,000 katao.

-- ADVERTISEMENT --