
Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang assassination plot na pinondohan umano ng P2.5 milyon laban kay Cebu Governor Pamela “Pam” Baricuatro.
Una rito, nitong Biyernes ay isiniwalat ni Baricuatro na mayroon umano siyang death threat kung saan isang assassin mula sa Mindanao ang inatasang itumba siya sa halagang P2.5 milyon.
Sinabi ni Baricuatro na ang plano ay paslangin siya sa labas ng Cebu kung saan ay titiyempo lamang ang hired killer.
Sinabi ni PNP Chief P/Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na inatasan na niya ang intelligence units na imbestigahan ang nasabing death threat.
Ipinag-utos din ng PNP Chief ang deployment ng karagdagang security personnel upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng gobernadora.
-- ADVERTISEMENT --










