
Nagsagawa ng initial hearing ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil usapin sa Alien Employment Permit ni Ateneo de Manila University (ADMU) basketball coach Tab Baldwin.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, hindi nakadalo si Baldwin sa pagdinig dahil sa kondisyon ng kaniyang kalusugan at sa halip ay humarap ang kaniyang legal counsel.
Sinabi ni Tolentino na hanggang Hunyo 25 ang palugit para magsumite si Baldwin ng verified answer at mga kinakailangang dokumento kabilang ang kaniyang Alien Employment Permit (AEP).
Sa nangyaring pag-uusap, tanging Alien Certificate of Registration (ACR) lamang ang naiprisinta ng kampo ni Baldwin na nagpapatunay ng kaniyang permanent resident status pero hindi ito katumbas ng pahintulot na magtrabaho sa bansa.
Pagkatapos ng pagsusumite ng verified answer, itinakda ng DOLE ang formal hearing sa Hunyo 29 upang ipagpatuloy ang pagtalakay sa kaso.










