
Pinalawig ng Ateneo de Zamboanga University ang suspensyon ng regular na klase matapos ang fatal shooting sa junior high school campus noong Agosto 18 na ikinasawi ng dalawang estudyante at ikinasugat ng isa pa.
Walang regular academic classes para sa grade school at junior high school mula Agosto 24 hanggang 28.
Sa halip, magsasagawa ng alternative learning arrangements at non-academic activities sa mga susunod na araw.
Wala ring regular classes sa higher education sa parehong panahon, habang magkakaroon ng support activities, guided reflection at pastoral care para sa mga estudyante at personnel.
Patuloy naman ang psychological first aid at iba pang support services para sa mga estudyante, pamilya at empleyadong nangangailangan ng tulong.
Kasabay nito, nagpapatuloy ang pakikipagtulungan ng unibersidad sa imbestigasyon at pagsusuri sa mga security measures sa campus.










