
Lumarga nitong Huwebes ang ika-apat na civilian mission ng civil society coalition na Atin Ito patungong pag-asa island sa west philippine sea (wps), bitbit ang layuning maghatid ng suporta sa mga residente at mangingisda sa lugar.
Ang send-off ay isinagawa kaninang umaga sakay ng barkong mv kapitan felix oca na naka-dock sa pier 15, manila south harbor.
Dumalo sa pag-alis ng misyon ang mga volunteer, supporter, media partner, at ilang kinatawan ng kongreso kabilang sina akbayan representatives perci cendaña at dadah kiram ismula, at dating mambabatas erin tañada.
Binuksan ang programa sa pag-awit ng pambansang awit, sinundan ng panalangin at bendisyon na pinangunahan ni Fr. Allan Bonloc ng project paghihilom.
Nagbigay rin ng mensahe ng pakikiisa ang mga opisyal at convenor ng atin ito bago patunugin ang busina ng barko bilang hudyat ng pag-alis.
Ayon kay Mission Commander Rafaela David, ang timing ng misyon bago ang ika-48 asean summit na gaganapin sa Pilipinas ay layuning ipakita ang kahalagahan ng isyu sa west philippine sea na inaasahang pag-uusapan sa rehiyon.
Sinabi niya na ang misyon ay malinaw na mensahe sa mga lider ng asean na ang WPS ay bahagi ng bansa at dapat ituring na zone of peace at hindi lugar ng tensyon.
Layunin ng misyon na tumagal mula Abril 30 hanggang Mayo 5 ang paghahatid ng pagkain at gasolina, pagsasagawa ng medical outreach, at community concert para sa mga residente ng isla.
Bahagi rin ng aktibidad ang jet ski flag ride bilang tinatawag na mapayapang paggiit ng soberanya ng pilipinas sa lugar.










