Isiniwalat ni dating presidential spokesman Atty. Harry Roque na mayroon umanong nang-hudas o nagtraydor kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Ginawa ng dating government official ang pahayag sa isang post online kasunod ng mga kumakalat na balita na naaresto na ang senador dahil sa existing arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Nitong Martes, Agosto 4, nagpost si Roque sa kanyang social media account na may mensaheng: “Meron nga daw na nang-hudas kay Bato.”

Wala pa namang inilalabas si Roque na iba pang detalye o pangalan kung sino ang tinutukoy niyang nagtraydor sa senador.Oras at Mga
Subalit itinanggi naman ng ilang opisyal ng pamahalaan at ahensiya ang bali-balitang nahuli na si Dela Rosa.

Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), at Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang opisyal na impormasyon o kumpirmasyon na naaresto ang mambabatas.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang isa si dela Rosa sa pinangalanan ng ICC na co-perpetrators ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong cimes against humanity dahil sa papel umano nito sa madugong kampaniya ng Duterte administration kontra ilegal na droga.