Isang 39-anyos na babaeng tindera sa palengke ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Ilocos Norte.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay natagpuang nakagapos, may busal sa bibig, at bahagyang nakahubad.

Base sa isinagawang postmortem examination, nagtamo siya ng mga sugat at pasa sa ulo.

Nawawala rin ang kanyang mga alahas at pera, kaya’t hindi isinasantabi ng mga awtoridad ang motibong pagnanakaw.

Posible ring ginahasa ang biktima, ayon sa pulisya, bagamat patuloy pa ang imbestigasyon ukol dito.

-- ADVERTISEMENT --

Natagpuan ang katawan ng biktima sa sala ng kanyang bahay, at walang palatandaan ng sapilitang pagpasok o labanan sa loob.

Ayon sa mga awtoridad, ang kanyang hipag ang nakadiskubre sa bangkay matapos hindi sumagot sa tawag ang biktima.

Nabubuhay nang mag-isa ang babae matapos silang maghiwalay ng kanyang asawa, at hiwalay rin ang tirahan ng kanyang dalawang anak.

Sa kasalukuyan, sinusuri na ng mga awtoridad ang mga kuha sa CCTV ng barangay upang matukoy ang posibleng suspek sa krimen.