
Nagpaalala ang mga awtoridad at aviation groups sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na maging mas maingat sa kanilang mga gamit habang nasa biyahe, lalo na sa loob ng eroplano.
Ito’y kasunod ng mga ulat ng umano’y insidente ng pagnanakaw.
Ayon sa mga paalala, may ilang modus ang mga salarin tulad ng pang-aabala, pagpapanggap na tutulong, at mabilisang pagsalisi upang makuha ang mahahalagang gamit gaya ng pera, credit card, pasaporte, at gadgets.
Pinapayuhan ang mga biyahero na huwag iwanang walang bantay ang kanilang mga dala, ilagay sa malapit o hand-carry ang mahahalagang bagay, at manatiling mapagmasid sa paligid.
Hinihikayat din ang mga pasahero na agad i-report sa cabin crew ang anumang kahina-hinalang kilos upang maiwasan ang insidente.










