Lumikha ng isang pares ng terno ng skirt at jacket mula sa 300 plastic grocery bags ang isang babae sa New York.
Tinahi ni Rosa Ferrigno, 75-anyos mula Greece, New York noong panahon ng taglamig ang skirt at jacket mula sa retaso ng mga kulay brown na plastic bag.
Hindi naman aakalain na gawa lamang sa plastic bag ang tinahi ni Ferrigno na ginawa lamang umanong libangan ang pagtahi
Pumasok sa isip ni Ferrigno na gumawa ng damit mula sa mga plastic bag nang makakita siya ng dalawang pitaka na nilikha rin mula sa parehong recyclable na materyales.
-- ADVERTISEMENT --